skip to main |
skip to sidebar
Happy Anniversary sa akin!!!
Hay tingan mo nga naman, parang kailan lang eh wala akong kamuwang-muwang sa Dubai... Aba'y akalain mo 1 year na ko!!! Ang bilis ng araw di ko namamalayan... Nakakatuwa... Naalala ko ng dumating kami dito.Kung tama ang pag-kakaalala ko,mga alas-diyes ng gabi lumapag ang eroplano(Emirates)tosyal kami e... hahaha!!! 11 ata nakalabas na kami ng airport, kaso mejo matagal kaming naghintay ng mga kasama ko (Si Tito Sonny at Rodel) dahil yung mga susundo sa amin ay nakatulog... Alas Dos na kami nasundo...Tatlong oras lang nman kami nghintay. Pero ok lang kasi naaliw ako sa mga nakikita ko. Sa mga taong nakikita ko. Ibang-iba. (Rewind)-- Pag kalapag ng eroplano,syempre eexit kami, nauna ako nakalabas sa mga kasama ko mga 5 minutes siguro ako nag-abang sa kanila... tapos lumakad kami ng bonggang-bongga papunta sa immigaration... di ko alam kung anong nararamdaman ko nun... Parang lumilipad ang utak ko,excited na kinakabahan na parang natatae...hahaha!!! Di ako makapaniwala na nasa Dubai na ako... Ang ganda ng Airport, ang laki, syempre amaze ang lola mo, di ko lang pinapahalata.... Ang layo pala ng immigration akala ko malapit lang... Mga 15 minutes na lakaran siguro yun.Tapos pagdating dun, mega pila na kami... grabe ang pila... hanggang dito din pala,pila to the max din....*buntong hininga* Tapos hindi ko malaman ang sumunod na naramdaman ko... parang may iba akong naamoy...Hindi maganda...Parang iba ang ihip ng hangin... (hindi na ako humihinga)... May kakaibang amoy pala ang mga tao dito... Well, sabi ko sa sarili ko, ayos trip ng mga tao dito ah... ito ba ang uso dito?!!! Grabe bonggang-bongga ang alingasaw ng amoy ng kanilang mga kili-kili!!! To the highest level talaga!!! Anyways, sabi nga nila,walang basagan ng trip...Hinayaan ko na, tiniis ko na lang... (Fast Forward)--Nung makita na kami ng sumundo sa amin, nakahinga na ako ng maluwag... ang sakit na kasi ng paa ko, gusto ko ng magpahinga ng time na yun. Buti na lang malapit lang yung airport sa titirhan namin... Pero pagdating naman, di pa pala ako makapagpapahinga kasi chikahan muna, kumustahan... Haizzzzzzzzzzzz...Pero ok lang masaya nman... And then nung marealize nila maguumaga na... hahaha!!!Nag-ayaan na mtulog... Nung nakahiga nman na ako, di na ako makatulog. Ang dami ng pumapasok sa isip ko... Ano bang buhay ang mararanasan ko dito sa Dubai? Makahanap kaya agad ako ng trabaho? Magtatagumpay ba ko ng bonggang-bongga?!!! Dito ko ba mhahanap ang hindi ko mahanap sa Pinas? Magiging masaya ba ako dito?Tatagal ba ako? Makaya ko kaya?.... 
....so far,carry
naman...maraming ngbago sa buhay ko...maraming masasasaya at malungkot na nangyari pero ok lang kasi madami akong natutunan.Naramdaman ko ang hirap ng buhay.Naappreciate ko ang mga bagay-bagay. Mas pinahalagahan ko ang buhay ko.Lalo kong minahal ang pamilya ko at ang sarili ko.Nalaman ko kung sino ang tunay na kaibigan ko.Nakilala ko kung sino ang mga taong handang tumulong at sasamahan ka sa hirap at ginhawa.Marami akong nakilala, nakasama at mga naging kaibigan.Lahat sila ay naging parte ng buhay ko.Maraming naging problema at alam ko mas marami pang darating, pero kakayanin ko.(*hinga ng malalim*)
Nice site! it's ok Joy! ganun talaga ang buhay... be safe!
ReplyDelete