Photobucket

Wednesday, December 24, 2008

Have yourself a merry little Christmas

Maligayang.........................................................

*(Drum roll)*


Pasko!!!!!Photobucket

*....Warning...Emo Mode loading....*

... Tingnan mo nga naman, kahit sobrang dami ng problema, ang daming sakit ng ulo, tambak ang trabaho, at kahit walang pera hindi talaga mapipigilan ang Pasko...sabi nga sa isang kanta-"tuloy-tuloy pa rin ang Pasko." (buntong-hininga)

...Nagsimba ako kagabi, nagdalawang isip pa nga ako kasi madami tao-mahirap sumakay ng bus pauwi. Kaso nanalo yung anghel sa kanang tenga ko, kaya ayun nasa simbahan ako kagabi... Dami ko nasalubong,nakita,nakarinig ako ng christmas song,naramdaman ko ang Pasko.Pagpasok sa simbahan ang daming tao, nakakainggit yung iba kasi kasama nila mga mahal nila sa buhay... Nakakaiyak kasi naisip ko pamilya ko, kelan ulit kaya kami makukumpleto sa Pasko. Almost 8 years na ata kaming hindi nakukumpleto.... Si Papa kasi ngtatrabaho sa Saudi, every year sya umuuwi kaso hindi December. Tapos eto ako ngaun nsa Dubai lalo ng hindi nakumpleto ang pamilya... Kaiyak!!!

...Ang ganda ng homily kagabi, masaya ako dahil ngsimba ako. Nabawasan yung mga dinadala ko sa dibdib. Nakalimot ako sandali sa mga problema. Naisip ko lahat ng mga taong importante sa akin. Naisip ko lahat ng taong nakatulong at naging inspirasyon ko lumaban sa buhay.Ang sarap ng feeling dahil lahat ng sakit at problemang kinikimkim ko sa puso ko ay naging magaan para sa akin lalo na nung kumanta yung pari... Tumutulo ang luha ko hanggang matapos nya yung kanta. Nailabas ko lahat ng bigat sa puso ko. I prayed hard for myself, my family, for Ken and for my friends...

...Ito yung song na kinanta ni Father na naapektuhan ako ng bonggang-bongga!!!




Oh yeah, mmm
Have yourself a merry little Christmas
Let your heart be
light
From now on your troubles will be out of sight, yeah

Have
yourself a merry little Christmas
Make the Yuletide gay
From now on your
troubles will be miles away, oh


Here we are as in olden days
Happy
golden days of yore, ah
Faithful friends who are dear to us
They gather
near to us once more, ooh

Through the years we all will be together and
If the fates allow

Hang a shining star upon the highest bow, oh yeah, oh
And have yourself a merry little Christmas now, oh, oh

Faithful
friends who are dear to us
They gather near to us once more, oh, oh

Through the years we all will be together and
If the fates allow, oh
yeah
But 'til then we'll have to muddle through somehow, oh yeah, oh, oh
And have yourself a merry little Christmas now, ooh yeah, oh, ooh

................................... Merry Christmas!!!




Sunday, December 21, 2008

Please offer a prayer for them...

Lapit na pasko...tatlong araw na lang. pero dito sa Dubai di ko maramdaman... To the highest level ang crisis... Nakakaawa pa yung mga nag-exit sa Kish at Qeshm, Iran. Yung isa naming roomate nandun pa. Umiiyak na sa sobrang gulo ng isisp nya. Gusto na umuwi sa Pinas kesa hintayin yung pag-process ng Visa nya. Ang hirap nga naman magpasko dun...3 beses ako nag-exit, alam ko ang hirap ng buhay dun. Puro labas ng pera, yung per day sa Hotel, yung pagkain sa umaga, tanghali at gabi. Pati tubig na panligo mo binibili pa... Ang hirap pa ng communication dahil sa tuwing itetext ka o tatawagan ka eh mababawas pa ang load mo. Kung tatawag ka naman sa pay-phone doon, pipila ka ng bonggang-bongga dahil lagi blockbuster ang linya... Ang hirap talaga... Yung roomate ko almost 2 weeks na siya dun, nagbayad na nbga sya ng Iran Visa, hanggang ngaun di pa lumalabas Visa nya.Nagkaproblema kasi sa Immigration ang mga Pilipino. Ayon sa mga naririnig ko, wala pa daw nirerelease na Visa para sa mga Pilipino dahil may isang Agency daw na nagpeke ng Visa at mga Pinoy ang sangkot.Tsk..tsk..tsk... damay lahat ng Pinoy. Nakakaawa yung mga stranded doon. Lalo na yung walang dalang pera.Kaiyak!!!Sana maging maayos na. Sana kumilos na ang dapat kumilos. Maawa naman sila sa mga tao doon, magpapasko pa naman.
Sana bago magpasko makauwi na sila...Please offer prayer for them...

Saturday, December 20, 2008

Copy & Paste...

Musta mush!!! Wala lng... Copy & Paste lang po ito...Naghahanap kasi ako ng gagawin e.Napadaan ako sa isang blog kay "mousepotato" ata yun, may collection sya ng Bob Ong kowts...naintriga ako so binasa ko ng bonggnag-bongga!!! Sobrang naaliw ako sa mga pinagsasabi ni Bob Ong...Who's that man ba? I like him na... sarap siguro kasama, kasi kapag may problema kA marinig mo pa lang mga advice nya solve na problema mo.Parang walang mabigat na problema kay Bob Ong. Parang ang simple sa kanya ng buhay.Nakakatuwa kasi lahat trulala,at may palaman!!! Kaaliw, nagulantang ang mundo kow!!!Ang galing2x nya. Love ko na sya!!! Habang binabasa ko e napapangiti ako at yung iba talaga nga naman tinamaan ako!!!Sapul na sapul... Wahahaha!!! I share ko lang din,kasi napansin ko din sa aking pamamasyal sa mundo ng blogs, e halos lahat ata e may topic related kay Bob Ong. So makikiuso din ako.Sasabayan ko ang trip nila...Hahaha!!! Try nyo basahin, nakakawala ng pagod...Pwamiz=)

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”
7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”
13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”
15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
20. “Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
21. “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
22. “Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
23. “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
24.“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”



Iba ka BOB ONG!!! Astig!!!Hinahangaan kita. Isa kang Alamat!!!=)

Overtime?

Sa pagkakaalam ko, Sabado ngaun... wla dapat ako pasok..E bakit nandito ako sa office? Bakit ko kaharap ang computer dito at mga papel na dapat ay bukas ko pa makikita. Bakit naririnig ko ang boses ng Amo kong hindi na ata nawalan ng kausap sa telepono.Bakit ?!!! ... Ewan ko ba dito sa Amo kong praning!!! Pinapasok ako kasi ang dami-dami daw gagawin...Eh ang pagkakatanda ko,tinapos ko lahat ng dapat tapusin nung Huwebes. May nakalimutan ba akong gawin?!!! Siguro nga kaya pumasok naman si ako, kasi baka nga marami gagawin, at baka bukas pagpasok ko e, d ko na makita ang table ko sa dami ng tambak... Nagpanik naman kasi si AKO...

Ang tanong bc ba ako ngaun?OO Bc ako magsurf ng internet.Bc akong ngpo-post ng entry sa blog. ..Bc ako sa pag-update ng friendster...haizzz... si Amo tlaga Oo... minsan di ko alam kung anung gustong palabasin.Kakainis e di sana nasa bahay ako, ngpapahinga ng walang humpay.





Ayan tuloy...bisi-bisihan ang drama ko... Haha!!!

Thursday, December 18, 2008

Hay naku...

Huwebes na naman...Walang pasok bukas...Yehey!!! Ano na naman kaya gagawin ko sa dalawang araw na day-off ko?Photobucket Maglalaba?Pag-iisipan ko...Maglilinis ng room?Pag-iisipan ko rin...Magluluto? Wala namang iluluto... hmmmmmmmmmmmm....Alam ko na?!!! Tatapusin ko na lang yung librong binabasa ko... Dalawang linggo ko na tinangkang tapusin yun,hanggang ngaun e nasa page 8 pa din ako.Hahaha!!! Kakaantok kasi e... Weh!!!
Tapos, update ng friendster---friendster ni Yume ko!!! Ahahaha!!!Magchecheck ako kung may bago siyang friend(*nakataas ang kilay*)...

...*hinga ng malalim*

...*tingin sa malayo*

Wala na naman ba akong gagawin?!!! Photobucket

Hay naku Joyo... marami kang dapat gawin...Ayaw mo lang
gawin.!!!Tsk Tsk tsk...







Wednesday, December 17, 2008

Happy Anniversary sa akin!!!

Hay tingan mo nga naman, parang kailan lang eh wala akong kamuwang-muwang sa Dubai... Aba'y akalain mo 1 year na ko!!! Ang bilis ng araw di ko namamalayan... Nakakatuwa... Naalala ko ng dumating kami dito.Kung tama ang pag-kakaalala ko,mga alas-diyes ng gabi lumapag ang eroplano(Emirates)tosyal kami e... hahaha!!! 11 ata nakalabas na kami ng airport, kaso mejo matagal kaming naghintay ng mga kasama ko (Si Tito Sonny at Rodel) dahil yung mga susundo sa amin ay nakatulog... Alas Dos na kami nasundo...Tatlong oras lang nman kami nghintay. Pero ok lang kasi naaliw ako sa mga nakikita ko. Sa mga taong nakikita ko. Ibang-iba. (Rewind)-- Pag kalapag ng eroplano,syempre eexit kami, nauna ako nakalabas sa mga kasama ko mga 5 minutes siguro ako nag-abang sa kanila... tapos lumakad kami ng bonggang-bongga papunta sa immigaration... di ko alam kung anong nararamdaman ko nun... Parang lumilipad ang utak ko,excited na kinakabahan na parang natatae...hahaha!!! Di ako makapaniwala na nasa Dubai na ako... Ang ganda ng Airport, ang laki, syempre amaze ang lola mo, di ko lang pinapahalata.... Ang layo pala ng immigration akala ko malapit lang... Mga 15 minutes na lakaran siguro yun.Tapos pagdating dun, mega pila na kami... grabe ang pila... hanggang dito din pala,pila to the max din....*buntong hininga* Tapos hindi ko malaman ang sumunod na naramdaman ko... parang may iba akong naamoy...Hindi maganda...Parang iba ang ihip ng hangin... (hindi na ako humihinga)... May kakaibang amoy pala ang mga tao dito... Well, sabi ko sa sarili ko, ayos trip ng mga tao dito ah... ito ba ang uso dito?!!! Grabe bonggang-bongga ang alingasaw ng amoy ng kanilang mga kili-kili!!! To the highest level talaga!!! Anyways, sabi nga nila,walang basagan ng trip...Hinayaan ko na, tiniis ko na lang... (Fast Forward)--Nung makita na kami ng sumundo sa amin, nakahinga na ako ng maluwag... ang sakit na kasi ng paa ko, gusto ko ng magpahinga ng time na yun. Buti na lang malapit lang yung airport sa titirhan namin... Pero pagdating naman, di pa pala ako makapagpapahinga kasi chikahan muna, kumustahan... Haizzzzzzzzzzzz...Pero ok lang masaya nman... And then nung marealize nila maguumaga na... hahaha!!!Nag-ayaan na mtulog... Nung nakahiga nman na ako, di na ako makatulog. Ang dami ng pumapasok sa isip ko... Ano bang buhay ang mararanasan ko dito sa Dubai? Makahanap kaya agad ako ng trabaho? Magtatagumpay ba ko ng bonggang-bongga?!!! Dito ko ba mhahanap ang hindi ko mahanap sa Pinas? Magiging masaya ba ako dito?Tatagal ba ako? Makaya ko kaya?.... Photobucket


....so far,carry
naman...maraming ngbago sa buhay ko...maraming masasasaya at malungkot na nangyari pero ok lang kasi madami akong natutunan.Naramdaman ko ang hirap ng buhay.Naappreciate ko ang mga bagay-bagay. Mas pinahalagahan ko ang buhay ko.Lalo kong minahal ang pamilya ko at ang sarili ko.Nalaman ko kung sino ang tunay na kaibigan ko.Nakilala ko kung sino ang mga taong handang tumulong at sasamahan ka sa hirap at ginhawa.Marami akong nakilala, nakasama at mga naging kaibigan.Lahat sila ay naging parte ng buhay ko.Maraming naging problema at alam ko mas marami pang darating, pero kakayanin ko.(*hinga ng malalim*)


Monday, December 15, 2008

Eto ang sa akin... anong sa'yo? =)

Simbang gabi na mamaya. Kaso dito sa Dubai hindi sa madaling-araw yung misa, sa gabi tlaga 8:00-9:00 pm ata... Papailawin na mamaya yung malaking X-mas tree sa St. Mary's...syempre kailangan kong makita yun...Lapit na pasko,huhuhu... lalo tuloy ako nahomesick. Ito yung pangalawang taon ko na wala sa Pinas.Pangalawang taon na hindi ko kasama pamilya ko sa Pasko.Kaiyak.Mag-drama ba Joyo.Hay naku bago ako maiyak ng bonggang-bongga eh ililista ko na lang ang mga gusto kong matanggap n regalo sa Pasko. Hahaha!!!


Photobucket



1. PEACE OF MIND
2. PEACE OF MIND
3. PEACE OF MIND
4. PEACE OF MIND
5. PEACE OF MIND
6. PEACE OF MIND
7. PEACE OF MIND
8. PEACE OF MIND
9. PEACE OF MIND
10. PEACE OF MIND
11. PEACE OF MIND
12. PEACE OF MIND
13. PEACE OF MIND
14. PEACE OF MIND
15. PEACE OF MIND
16. PEACE OF MIND
17. PEACE OF MIND
18. PEACE OF MIND
19. PEACE OF MIND
20. PEACE OF MIND
Saan ba pwedeng bumili nyan... Yan lang naman gusto ko.Matagal ko ng hinahanap yan. Kahit saan ako magpunta pilit kong inaasam na sana makita ko na. Charus!!!

Saturday, December 13, 2008

Sadya bang ganyan...

sana marunong din ako mag-moonwalk...hala sige...
haizzzz... bakit ganito, naiinis ako sa trabaho ko. Ano bang kapaki-pakinabang na dapat kong gawin. Paulit-ulit na lang.Nakakasawa na. waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh... kaiyak!!! Gusto ko yung mejo iba naman. Yung bonggang-bongga. hahaha!!! Gusto ko yung di nakakastress tapos malaki yung sahod. May trabaho bang ganun? Kung meron siguro ang daming aplikante. Hahaha!!! Haizzzzzzzzzz bakit ba kasi kailangan pang magtrabaho. Trabaho ng trabaho tapos yung sahod hihintayin pa sa katapusan. Pag sahod na, lalapat lang sa palad ang pera tapos ayun nakalipad na na kung saan man siya nakalaan.Tapos Hihintayin na naman ang sahod sa susunod na buwan... Kaloka!!!

First Post =)

Hmmm... ano bang isusulat ko? Wala naman ako maisip.(Patay tau jan hahaha!!! )Wala akong maisip na topic. Kung about sa lovelife di bagay na panimula... Kung current events naman, boring.Kung ang kwento naman ng buhay ko, masyadong mahaba para sa first post. Eh anong nga ba ang dapat sasabihin ko?Ano?Hmmmm... Mag-iisip muna ako...hehehe...