Lapit na pasko...tatlong araw na lang. pero dito sa Dubai di ko maramdaman... To the highest level ang crisis... Nakakaawa pa yung mga nag-exit sa Kish at Qeshm, Iran. Yung isa naming roomate nandun pa. Umiiyak na sa sobrang gulo ng isisp nya. Gusto na umuwi sa Pinas kesa hintayin yung pag-process ng Visa nya. Ang hirap nga naman magpasko dun...3 beses ako nag-exit, alam ko ang hirap ng buhay dun. Puro labas ng pera, yung per day sa Hotel, yung pagkain sa umaga, tanghali at gabi. Pati tubig na panligo mo binibili pa... Ang hirap pa ng communication dahil sa tuwing itetext ka o tatawagan ka eh mababawas pa ang load mo. Kung tatawag ka naman sa pay-phone doon, pipila ka ng bonggang-bongga dahil lagi blockbuster ang linya... Ang hirap talaga... Yung roomate ko almost 2 weeks na siya dun, nagbayad na nbga sya ng Iran Visa, hanggang ngaun di pa lumalabas Visa nya.Nagkaproblema kasi sa Immigration ang mga Pilipino. Ayon sa mga naririnig ko, wala pa daw nirerelease na Visa para sa mga Pilipino dahil may isang Agency daw na nagpeke ng Visa at mga Pinoy ang sangkot.Tsk..tsk..tsk... damay lahat ng Pinoy. Nakakaawa yung mga stranded doon. Lalo na yung walang dalang pera.Kaiyak!!!Sana maging maayos na. Sana kumilos na ang dapat kumilos. Maawa naman sila sa mga tao doon, magpapasko pa naman.
Sana bago magpasko makauwi na sila...Please offer prayer for them...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)









No comments:
Post a Comment